As promised, here are the rest of the synopses and excerpts from the #buqoYA Taking Chances bundle, which is available on www.buqo.ph for ONLY P45.00/$0.99!
(New to Buqo? Browse their FAQ page to satisfy your curiosity.)
Loving You All My Life by Rafael P. Pascual
Isang ulirang estudyante, kaibigan at anak si Danielle Natasha Lastimosa. Ang kanyang pagsisikap, talino at kabutihan ang nagdala sa kanya sa Philippine Institute of Arts, Entertainment & Culture (PHINAREC), ang pinaka-una at natatanging paaralan para sa mga nagnanais makapasok sa larangan ng sining, kultura at libangan. Maayos na sana ang kanyang buhay-estudyante nang isang Jairus Roman Vera-Perez ang biglang nagpagulo rito. Ang lalaking iyon ang anak ng may-ari ng PHINAREC, pero ito rin ang pinakalider pagdating sa katamaran, kayabangan at kakulangan ng disiplina. Pagtatagpuin sila ng isang kakaibang proyekto para sa kursong kanilang pinag-aaralan. Maging mitsa kaya ito ng lalong paglala ng kanilang bangayan, o ito na kaya ang magsilbing daan para sila ay maging magkaibigan – at magkatuluyan? Masabi kaya nila sa isa’t isa ang katagang “I’LL KEEP ON LOVING YOU ALL MY LIFE”?
DANA’S POV
Philippine Institute of the Arts, Entertainment & Culture
February 16, 2000
Hay, salamat! Natapos din ang isang linggon pagsusunog ng kilay. Kakatapos lang ng examination week at kaming lahat ay nabunutan ng tinik sa dibdib.
Pa’no ba naman: ang hirap na nga ng pagre-review, masyado pang mahigpit ang mga propesor – na pati ang pakikinig ng radio sa cellphone ay ipinagbawal din nila! Para naming walang tiwala ang mga propesor sa aming mga estudyante sa PHINAREC. Sabagay, prestihiyosong paaralan iyan para sa mga nagnanais pumasok sa media at showbiz, kaya gayan sila kahigpit.
Anyway, my name is Dana – Danielle Natasha Lastimosa. Anak ako ng isang retiradong inhinyero at ng isang dating government employee na napunta sa pagtitinda ng sigarilyo at kendi sa NAIA. At kung ang iniisip n’yo ay mahirap ang pamilya naming, tama po kayo.
Mahirap ang pamilya naming, kaya dumating ang panahong kailangan ko nang magtrabaho para matulungan ang aking mga magulang.
Kaya lang naman ako nakapag-aral sa PHINAREC ay dahil may nakapansin sa talent ko. Siya lang naman si Mr. Art Paglinawan, ang pinakasikat na newscaster sa kasalukuyang panahon. Simula kasi nang Manalo ako sa News Reading Competition ng FBN, at nang Makita niya ang sitwasyon ng pamilya naming, tinulungan niya ako sa pag-aaral ko dito – sponsored niya ang mass communication scholarship program ng PHINAREC.
Rafael P. Pascual is a 20-year old Mass Communication student at Universidad de Manila. He is a reader of romance, teen fiction, fantasy, horror, mystery and history. He is currently writing under the username raffythequizzard on Wattpad.com.